“sayaw ng puso”
ang pag-ibig nga’y parang sayaw
bawat indayog may nais isigaw
iyong damhin kung nais mong marinig
haplos, lambing ng aking pag-ibig
ikaw ang s’yang indak ng puso ko ( ng puso ko )
sa’yong haplos ako’y iduyan mo ( iduyan mo )
at kahit langit man ang agwat natin
sayaw ng puso’y ikaw pa rin
ang syang nais ko’ng kasabay ( ikaw lamang )
sa bawat indak ng buhay ( bawat araw )
sa hirap man at lungkot ( ako’t ikaw )
pag-ibig natin ang sagot
sa panaginip ko’y ikaw ang kasayaw ( kasayaw )
kalawakan nais kong isigaw ( isigaw )
pag-ibig natin na sadyang kay tamis ( kay tamis )
landas na di kailan maglilihis.